-- Advertisements --
Mabibigyan na ng kompensasyon ang mga manggagawang naapektuhan ang trabaho dahil sa sakit na COVID-19.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, maituturing nang compensable ang nasabing sakit, na may katumbas na tulong mula sa Employees Compensation Commission (ECC).
Batay sa ECC Board Resolution 21-04-14, mapagkakalooban ng P30,000 na tulong ang manggagawang nagka-COVID sa panahon ng kanilang pagtatrabaho.
Kailangan lamang na suportado ng RT-PCR test ang isusumiteng dokumento, kasama na ang detalye kung paano nahawaan ng virus.
Tiniyak naman ni Bello na may sapat na pondo ang ECC para mabigyan ng tulong ang mga apektado ng deadly virus.