-- Advertisements --

Dadalhin sa Pilipinas ngayong taon ang pilgrim relic ni Blessed Carlo Acutis, na itatalaga bilang kauna-unahang millennial saint ng Simbahang Katolika sa Setyembre 7.

Ayon sa Friends of Blessed Carlo Acutis – Philippines, ang relic, na bahagi ng pericardium o fibrous sac na nagpoprotekta sa puso, ay nasa bansa mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 15.

Kinumpirma ng Assisi–Nocera Umbra–Gualdo Tadino, ang home diocese ni Acutis, ang pagbisita at ipinagkatiwala sa Friends of Blessed Carlo Acutis – Philippines ang pamamahala ng pilgrimage.

Si Acutis, na nakilala sa paggamit ng teknolohiya upang palaganapin ang pananampalataya, ay pumanaw dahil sa leukemia noong 2006 sa edad na 15.

Itatalaga siya bilang unang millennial saint sa kanyang canonization sa Linggo.