-- Advertisements --

Magiging abala agad ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdalo nito sa United Nations General Assembly (UNGA).

Ayon kay Foreign Affairs Asec. Kira Azucena, aalis dito ang presidente na hapon ng Setyembre 18, 2022, kung saan siya magbibigay ng departure message.

Habang magiging ikawang speaker naman ito sa hapon ng Setyembre 20, 2022.

Maliban sa talumpati sa general assembly, maaari ring masundan ito ng bilateral meetings at iba pang aktibidad.

“We choose not to disclose which countries these are, but we’ll definitely make an announcement as soon as these are confirmed,” wika ni Asec. Azucena.

Nilinaw naman ni Press Sec. Trixie Cruz-Angeles na hindi itinatago ng Malacanang ang detalye ng mga aktibidad at mga makakapulong ng pangulo.

Giit ng kalihim, wala silang mailalabas na impormasyon, hangga’t walang pinal na kumpirmasyon ukol sa mga inaantabayanang event.