-- Advertisements --

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ang naging send-off ceremony para sa mga pulis na siyang magsasagawa ng disaster relief operations sa Hilaga at Gitnang Luzon.

Katuwang din ng Pambansang Pulisya sa inisyatibong ito ang mga civic organizations at ilang mga volunteer mula sa ibat ibang organisayon para sa pagkakasa ng operasyon.

Ayon sa hepe, makakaaasa ang mga residenteng lubhang naapetuhan ng mga magkakasunod na bagyo na maaasahan at makakatuwang nila ang kanilang hanay lalo na sa ganitong mga panahon ng kalamidad at krisis.

Inaasahan naman na mababahagian ang hindi bababa sa 7,500 na mga indibidwal na siyang target ng PNP na mahatiran ng tulong.

Uunahin namna ng PNP na mabahagian ang mga lalawigan ng Tarlac, Pangasinan, La Union at Abra na pawang mga lubhang naapektuhan rin ng masamang panahon.

Samantala, kabilang naman sa kanilang mga ippamahagi ang higit sa 3,500 na mga relief packs, 4,000 na bote ng mineral water, 30 kahon ng mga canned goods, noodles at bigas.

Kasunod nito ay binigyang pagkilala ni Torre ang serbisyo ng kapulisan sa mga lugar na nasalanta ng bagyo para sa ipinakita nitong sigasig sa trabaho at makapagbigay ng agarang tulong sa mga apekatadong residente.