Muling itinutulak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang isang mahalagang panukalang batas na naglalayong ipagkaloob ang buwanang hazard pay sa mga prosecutors.
Ito ang House Bill (HB) No. 2664 na nagmumungkahi ng P5,000 buwanang hazard pay ang mga tagausig na humahawak ng mapanganib na mga kaso tulad ng mga pagdinig sa inquest, paunang imbestigasyon, at mga pag-uusig na may kinalaman sa terorismo, ilegal na droga, pandarambong at korapsyon, laundering ng pera at iba pang mga delikadong kriminal na paglabag.
Inihayag ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mabigyan ng hazard pay ang mga tagausig dahil sila ay nahaharap sa ibat ibang banta.
“In the performance of their functions, they are assigned to investigate and prosecute cases involving national security, dangerous drugs, terrorism and notorious criminals,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Mga Co-authors sa nasabing panukala sina Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez, Andrew Julian K. Romualdez at Jude Acidre.
Ipinunto ng mga mambabatas na ang mga prosecutors ay kaniwang target ng mga masasamang loob.
Sa nasabing panukala, sakop nito ang mga prosecutors mula sa Department of Justice’s (DOJ) National Prosecution Service na humahawak ng mga high-risk cases, kabilang dito mga sangkot sa national security, transnational crimes at environmental offenses.
Sakop din ang mga prosecutors na naka assign sa conflict areas, calamity areas, at isolated assignments.
Malinaw din sa nasabing panukala na tax-exempt ang isinusulong na hazard pay.
Kukunin ang pondo sa DOJ at sa kalaunan bibigyan na ito ng taunang budget na nakapaloob sa General Appropriations Act (GAA).
“This bill reaffirms the State’s duty to maintain peace and order, protect life, liberty and property, and promote the general welfare,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Kumpiyansa si Romualdez na ang nasabing panukala ay susuportahan ng mga miyembro ng 20th Congress.