Inuutos ni U.S. President Donald Trump noong Biyernes ang pagpapatalsik sa economic official nitong si Erika McEntarfer, Commissioner of Labor Statistics dahil sa mga akusasyong minamanipula umano nito ang mga datos ng mga trabaho sa bansa, layuning isinalarawan ng Pangulo ng Amerika bilang pamomolitika sa kanyang administrasyon.
Ang pagtanggal sa U.S official ay kasunod ng isang ulat na nagpapakita ng pagbaba ng job market sa bansa.
Bagay na hindi nagustuhan ni Trump at sinabing pineke umano ito para magmukhang masama siya at ang Republicans.
‘were RIGGED in order to make the Republicans, and ME, look bad,’ post ng Pangulo sa kanyang social media.
Ayon kasi sa pinakabagong datos mula sa Department of Labor ng bansa, ang pagdami ng mga trabaho noong Hulyo ay mas mababa kaysa sa inaasahan, na may 73,000 lamang na mga trabaho ang nadagdag.
Ang mga naunang ulat para sa buwan ng Mayo at Hunyo ay nire-vise rin pababa, na nagpakita ng pinakamababang antas ng paglago ng trabaho mula noong COVID-19 pandemic.
‘McEntarfer said there were only 73,000 Jobs added but, more importantly, that a major mistake was made by them, 258,000 Jobs downward, in the prior two months,’ ani pa Trump.
Sa kabila nito binatikos naman ng mga kritiko ni Trump ang pagpapatalsik sa economic official kung saan ikinabahala nila ang pag-pagtanggal kay McEntarfer na nagpapakita ng masamang halimbawa ng pagiging ”authoritarian countries” ng Estados Unidos at hindi pagiging isang ”democratic” na bansa.
‘Firing the head of a key government agency because you don’t like the numbers they report, which come from surveys using long established procedures, is what happens in authoritarian countries, not democratic ones,’ pahayag ni Larry Summers dating U.S. Treasury secretary na under ng democratic president na si Bill Clinton.
Kinondena rin ng National Association for Business Economics (NABE) ang pag-tanggal kay McEntarfer at binigyang-diin ang mga pagbabago sa mga numero ng trabaho ay bahagi lamang ng mga hamon na kinakaharap ng mga ahensya sa pamahalaan tulad ng Bureau of Labor Statistics.
Samantala patuloy naman na umaasa ang Federal Reserve na magsagawa ng mga bagong hakbang ang gobyerno upang matugunan ang pagbagal ng ekonomiya, habang nagpapatuloy ang mga taripa at iba pang hamon sa ekonomiya ng bansa.