Liban sa mga fans, maging ang mga basketball superstars ay mistulang hindi na rin makapag-antay sa pagsisimula ng NBA finals sa October 1.
Matapos magkampeon ang Miami Heat at Los Angeles Lakers sa Western at Eastern Conference finals, trending pa rin ngayon ang usap-usapan sa magaganap na kakaibang NBA finals sa unang pagkakataon.
Ayon sa NBA legend na si Earvin Magic Johnson, dapat talagang abangan ang finals dahil ang presidente ng Miami ay matagal din na naging coach ng Lakers.
Si LeBron James naman ay dati rin niyang team ang Miami at naging coach din ang Filipino-American na si Erik Spoelstra.
Nag-post sa twitter si Johnson nang ganito, “Pat Riley vs. his former team and LeBron vs. his former team will be must see TV!”
Binati naman ni NBA great Manu Ginobili ang pagpasok ng Miami at Lakers sa finals.
Tinawag naman ni dating NBA player Jeremy Lin, na “great team” ang Miami na minamaliit lamang ng iba.
“Spoelstras underrated. Tyler Herros fearless. And Iggys a winner. Butler blazed his own trail and thrives under pressure. Gonna be a great #NBAFinals”
Para naman kay Rudy Gobert ng Utah, masaya siya sa naging matinding performance ni Jimmy Butler ng Heat lalo na sa Game 6.
Ang isa pang NBA legend na si Kendrick Perkins ay nagpaabot din nang pagsaludo kay Bam Adebayo, ang big man ng Heat.
Kung maalala dinomina ni Adebayo ang 4th quarter nang iposte ang s playoff career-high na 32 points at 14 rebounds.
“Bam Adebayo with 32-14-5 is a TOP 3 Big in the Game!!! DEM GOONS were in that DARK ALLEY waiting tonight. Carry on…”
Si Dwayne Wade naman ay todo papuri sa kanyang dating team na Miami.
Sina Pau Gasol naman at Meta World Peace, ay hindi rin nakatiis na mag-cheer sa nalalapit na banggaan ng dalawang best teams sa NBA.