DAVAO CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act ang mag-asawa matapos mahuli ang mga ito sa isinagawang drug buy bust operation ng Toril PNP kung saan narekober sa kanilang posisyon ang P800,000 na halaga ng iligal na droga.

Nakilala ang mag-asawa na sina Jumuksin Annuari Musa, 45, at ang asawa nito na si Nisa Padago Musa, 42, residente ng Panacan sa lungsod.

Ayon pa sa Toril PNP, suki umano ng mga suspek ang mga parokyano sa Toril area.

Sinasabing mga high-value target ang mag-asawa dahil sa laki ng halaga ng iligal na droga na nakuha sa kanilang posisyon.

Parehong nakakulong ngayon ang mag-asawa sa Toril PNP at nasa kustodiya na rin ng otoridad ang mga nakumpiskang iligal na droga na gagamitin bilang ebidensiya sa isasampang kaso laban sa mga ito.