Tinanghal bilang Binibining Pilipinas International ang pambato ng Davao na si Katrina Johnson.
Namayagpag ang pambato ng Davao sa kabuuang 35 na kalahok sa coronation night na ginanap sa Araneta Coliseum.
Siya ang magrerepresenta ng bansa sa Miss International Competition kung saan ipinasa ni Myrna Esguerra ang kaniyang titulo.
Nasungkit naman ni Annabelle Mae McDonnell ng Iligan City ang Binibining Pilipinas 2025 Globe 2025 habang first runner up naman si Dalia Varde Khattab ng Las Pinas at 2nd Runner Up naman si Kathleen Espenido ng Siargao.
Nakuha naman ni Khattab ang Best in Swimsuit, habang Best in National Costume naman si Blessie Villablanca ng Antique at si Johnson naman ay nakamit ang Best in Evening Gown.
Ilan sa mga special awards ay si Cyril Reign Nulud nb Binibini Friendship at Francesca Abalajon bilang Face of Binibini Awards.
Ang 61st edition na pageant ay napiling maging host ang mga beauty queen na nagrepresent ng bansa na sina Nicole Cordoves ang Binibining Pilipinas Grand International 2016; MJ Lastimosa ang Bb. lipinas Universe 2014; Maureen Montagne ang Miss Globe 2021); at Kylie Verzosa ang Miss International 2016.
Hinarana naman ng grupong SB19 ang mga contestants sa kanilang pagrarampa.