Multicab 2
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Alitan sa pamilya ang umano’y ugat sa pananambang sa isang pamilya sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Eskak Esmail Mamo, 38, anak niya na si Datu Abdullah Mamo, 5, habang sugatan si Paiza Datua Mamo, 35, mga residente ng Sultan Sabarongis, Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao police provincial director Colonel Jibin Bongcayao na sakay ang mga biktima ng multicab para mamalengke sana ngunit pagsapit nila sa Barangay Gawnan, Rajah Buayan, Maguindanao ay tinambangan ito ng mga hindi kilalang mga armadong kalalakihan gamit ang kalibre .45 na pistola at M16 armalite rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek nang magresponde ang mga pulis, BPAT at mga sundalo.

Patay on the spot si Abdullah Mamo at dead on arrival sa pagamutan ang kanyang ama habang ang ina ay nasa maselang kondisyon.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay may mga person of interest na sinusundan ang Rajah Buayan PNP sa pananambang sa mga biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.