-- Advertisements --

Ikinagagalak ng mga mambabatas na nagsusulong ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) Act ang mabilis na pag-usad nito, matapos itong makalusot sa technical working group.

Layon ng panukala na magtatag ng isang mas transparent, may kapangyarihan, at tunay na independent commission na mag-iimbestiga sa mga anomalya sa mga proyekto ng gobyerno, tulad ng flood control.

Ito ay upang palakasin ang kasalukuyang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihang magsagawa ng motu proprio investigation.

Kabilang na ang access sa lahat ng record ng pamahalaan, pag-isyu ng subpoena, pagpapalabas ng hold departure order, pag-freeze at pagbawi ng mga ari-arian, at pag-utos ng preventive suspension.

Nanawagan naman si Rep. Leila de Lima na sertipikahan ito bilang urgent, at target na mapagtibay ang panukala bago ang Christmas break ng Kongreso.