-- Advertisements --

Nasa proseso na ang Pilipinas na humihingi ng tulong sa International Criminal Police Organization’s (inerpol) para sa pag-aresto kay dating Ako-Bicol Partylist Representative Zaldy Co na nagtatago umano sa Portugal.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, mayroon ng utos si Pangulong Ferdinand Marcos na pormal ng mag-apply ng extradition treaty kahit na walang extradition treaties sa dalawang bansa.

Kung talagang nasa Portugal na ito ay malaki ang maitutulong ng interpol para mapauwi na ang dating mambabatas.

Nahaharap si Co sa kasong graft, malversation at falsification of public documents dahil sa paggawa ng ma-anomalyang flood control project sa Oriental Mindoro.