-- Advertisements --

Asahan ang pagbaba ng pamasahe sa mga eroplano sa darating na buwan ng Hunyo.

Ito ay matapos na magpatupad ang Civil Aeronautics Board (CAB) ng pinakamababang fuel surcharge.

Ayon sa CAB, na kanilang ibinaba sa Level 3 ang surcharge para sa Hunyo mula sa dating Level 4 ngayong buwan ng Mayo.

Dahil dito ay magbabayad ang mga pasahero ng dagdag na P83 hanggang P300 para sa domestic flights at P273.36 at P2,032.54 para sa mga flights sa abroad sa ilalim ng Level 3.

Mas mababa ito sa dating Level 4 na mula sa P117 hanggang P342 para sa domestic flights at P385.70 hanggang P2,867.82 para sa international flights.

Ang mga fuel surcharges ay dagdag na bayarin na ipinapatupad ng mga airline companies para tulungan sila na makabangon sa halaga ng fuel na kanilang binabayaran.

Hiwalay ito sa base fare o ang aktual na binabayaran ng mga pasahero.