CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng pagbaha sa mga mababang lugar sa probinsya ng Cotabato ang naranasang matinding pag-ulan dulot ng sama ng panahon sa Mindanao.

Umapaw ang mga baradong kanal sa mga pangunahing kalye sa bayan ng Midsayap,lalo na sa public market,bayan ng Kabacan,Pikit at ibang lugar.

Tumaas rin ang lebel ng tubig sa mga ilog dahil sa pagbaha.

Maliban sa North Cotabato binaha rin ang lalawigan ng Maguindanao.

May mga punong kahoy rin ang nabuwal dahil sa malakas na hangin resulta ng brownout.

Agad namang nagpaalala ang mga kawani ng Desaster Risk Reduction and Management Council sa mga nakatira sa gilid ng ilog at bundok na mag-ingat sa pagragasa ng baha at landslide.