-- Advertisements --

Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Esatern Visayas nitong Biyernes ng hapon.

Nairehistro ng Phivolcs ang mga sumusunod na intensity:

Intensity V – Ormoc City, Leyte
Intensity IV – Albuera, Leyte
Intensity III – Abuyog at Baybay, Leyte
Intensity II – Mahaplag, Dulag, Alangalang at Hilongos, Leyte
Intensity I – Borongan City, Eastern Samar at Kananga, Leyte

Naitala ito sa ganap na alas-3:18 ng hapon.

Kung saan ang epicenter ay sa layong pitong kilometro sa timog kanluran ng Burauen, Leyte.

May lalim lamang itong isang kilometro kaya malawak ang mga lugar na nakaramdam ng pagyanig.

Tectonic ang pinagmulan nito at wala namang inaasahang malaking pinsala at aftershocks.

Samantala, tumama naman ang 4.6 magnitude sa Zambales.

Narito ang naramdamang intensity sa ilang parte ng Luzon.

Intensity III – Masinloc, Iba, and San Felipe, Zambales; Malabon City
Intensity II – San Jose Del Monte, Bulacan; Quezon City; Mandaluyong City; Caloocan City;
Pasay City; City of Manila; Makati City

Instrumental Intensities:

Intensity IV – Iba, Zambales
Intensity III – Infanta, Pangasinan; Olongapo City, Zambales
Intensity II – Gapan City, Nueva Ecija; Dagupan City, Pangasinan; Subic, San Antonio, Zambales
Intensity I – Plaridel, Bulacan; Malabon City, Pasig City, Quezon City, Navotas City, Metro Manila;
San Jose, Palayan City, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga; Basista, Bolinao, Pangasinan;
San Francisco, Quezon; Tarlac City, Tarlac