-- Advertisements --
Tinanggal na ng Land Transportation Office (LTO) ang P100 na babayarin na ipinapatupad sa mga motorcycle riders na nagparehistro ng kanilang custom-made top box at saddle bag.
Ayon kay LTO chief at Assistant Secretary Markus Lacanilao, na mayroon itong pinirmahan na memorandum na tanggalin ang registration fee para sa mga customized motorcycle accessories.
Dagdag pa nito na malaking tulong ito sa mga riders na ang ginagamit ang kanilang motorsiklo sa hanapbuhay.
Dati kasi na ang mga customized top boxes at saddle bag na lumagpas sa laki ay kailangan iparehistro sa LTO habang ang mga nabibiling top boxes ay hindi na kailangang iparehistro.
















