Ititigil na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbibigay ng student driver’s permit simula bukas Hulyo 1.

Sinabi ni LTO chief Edgar Galvante, nais nila kasi na simula Agosto 3, ay dapat sumailalim na sa 15-hour theoretical driving course ang mga aplikante.

Mayroon na silang kasunduan sa mga drivin school kung saan mag-enroll ang mga kukuha ng student permit.

Sa nasabing 15-hour theoretical session ay pag-uusapan dito ang mga laws and regulations sa pagmamaneho.