-- Advertisements --
Nakipagtulungan na ang Land Transportation Office (LTO) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagpapatupad nila ng electronic version ng mga drivers license o “digital license”.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa banta ng kakulangan ng mga suplay ng plastic cards na ginagamit sa paggawa ng mga drivers license.
Ayon kay LTO chief Jun Art Tugade na ang digital license ay magsisilbi bilang electronic alternative sa mga physical driver’s license card.
Bahagi rin aniya ito sa gagawin nilang digitalization.
Tiniyak sa kanilang DICT na magiging ligtas ang mga personal na impormasyo ng mga may hawak ng drivers’ license.