Pormal ng nag-assume bilang ika-54th AFP chief of staff si Lt Gen. Gilbert Gapay matapos mag retiro sa serbisyo ngayong araw ni AFP chief Gen Felimon Santos na siyang mandatory retirement nito sa serbisyo.
Si Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nag administer ng change of command ceremony dahil hindi naka dalo ang Pang. Rodrigo Duterte.
Sa mensahe ni newly installed AFP chief Lt Gen Gapay sinabi nito na hindi patitinag ang AFP sa anumang kahaharaping mga challenges gaya ng isyu sa terorismo, agawan ng teritoryo sa West Phl Sea pagharap ng bansa sa Covid 19 pandemic.
Hiling ni Gapay sa sambayanang Pilipino at sa mga sundalo magtulungan para kanilang mapagtagumpayan ang anumang hamon.
Siniguro ni Gapay magpapatuloy ang kanilang operasyon lalo na sa mga local terrorist group, CPP NPA at iba pang mga threat groups.
Tuloy din ang modernization program ng AFP.
Nanawagan naman si Gapay sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya laban sa terorismo.
SAMANTALA, ipinagmalaki naman ni retired AFP Chief Gen. Felimos Santos na sa kabila ng Covid 19 pandemic nagpapatuloy ang modernization program ng AFP.
Tuloy tuloy ang pagdating na mga bagong kagamitan.
Isa sa ipinagmalaki ni Santos ay ang pagdating ng kauna-unahang brandnew frigate ng Phil Navy ang BRP Jose Rizal ang FF150.