Major General Noel Clement
Lt. General Noel Clement/ FB image

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. General Noel Clement bilang susunod na Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff.

Ito mismo ang kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.

Papalitan ni Clement si outgoing AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr na nakatakdang magretiro sa susunod na linggo.

Si Clement ay kasalukuyang Central Command ng AFP.

Pinamunuan din ni Clement ang 10th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Davao Region.