-- Advertisements --

aviators3

Nagsagawa ng inspeksyon si Philippine Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr. sa kanilang dalawang helicopters mula sa Army Aviation Regiment na nagsagawa ng round-trip proficiency flight mission mula Fort Magsaysay, Nueva Ecija hanggang sa Army’s main headquarters sa Fort Bonifacio kahapon, January 19,2022.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col Xerxes Trinidad, ginawa ni Lt.Gen. Brawner ang inspeksyon sa harap ng isinasagawang long-range proficiency training flight na pinangunahan ni Army Aviation Regiment Commander Col. Andre Santos.

Pinangunahan ni Santos ang paglipad sa Robinson R44 Clipper II at sa Bolkow BO 105M multi-purpose helicopters.

Sinabi ni Trinidad na ang pagsasanay ay bahagi ng patuloy na skills enhancement ng rotary-wing aviators ng Phillippine Army.

Ito ay upang mas mapaunlad at mapalakas pa ang Army aviation para sa mga susunod na misyon ng tropa sa ground.

aviators4

Pinapurihan naman ni Brawner ang Aviation Regiment sa kanilang modernization effort lalo sa pag train ng mga dagdag na aviators, rotary-wing pilots ar multi-engine rating personnel.

“As you push yourselves in giving your best on your training, I commend all men and women manning the Army Aviation Regiment. Despite the challenging time and situation, you commit to capacitating yourselves for the development and transformation of our modernized Army aviation. You have all the support of the Philippine Army leadership as you evolve into a modern and capable Army Aviation Regiment that is a source of national pride,” pahayag ni Lt. Gen. Brawner.