Itinalaga bilang acting Philippine Army spokesperson si Lt. Col. Ray Tiongson, epektibo ngayong araw, April 5, 2017 kapalit ni Col. Benjie Hao na magkakaroon ng bagong assignment.

Bago mag-assume si Tiongson sa bagong pwesto nito, siya ang deputy chief ni Col. Hao sa Philippine Army Public Affairs Office.

Si Tiongson ay dating spokesperson din ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Western Visayas.

Ito ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1997.

Malawak na rin ang naging karanasan ni Tiongson sa public affairs ng Philippine Army.

Sa kabilang dako si Hao naman ay itatalaga sa Training and Doctrine Command sa Capas, Tarlac.

Si Hao ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA)Class 1991.