-- Advertisements --

Nasawi ang apat na miyembro ng isang Communist Terrorist Group (CTG) sa Barangay Nagoocan, lungsod ng Catubig, Northern Samar matapos na magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng group at ng Philippine Army.

Batay sa ulat, 30 armadong grupo mula sa Regional Guerilla Unit at ng Sub-Regional Committee Arctic ng Esatern Visayas ang kasama a pananambang sa isinagawang focused military operation nitong Martes.

Nagsimula ang sagupaan ng mga grupo matapos na makatanggap ng ulat ang mga miyembro ng PH Army sa lugar hinggil sa mga presensya ng mga armadong indibidwal na gumagawa umano ng mga extortion activities sa loob ng naturang barangay.

Ilang minuto ang nakalipas sa engkwentro ay agad naman umatras ang grupo at iniwan ang apat nilang kasamahan na siya namang nasawi sa operasyon.

Samantala, pitong malalakas na kalibre naman ng mga baril ang nasamsam sa naging serye ng putukan sa pagitan ng panig ng mga CTG at ng PH Army.

Kabilang sa mga narekober ay dalawang M14 rifles, iang M16, isang M653 at tatalong granada kasama ang ilang mga bala, magazine at ilang medical paraphernalia.