-- Advertisements --
Kinontra ng Philippine Army ang naging pahayag ni Senator Panfilo Lacosn ukol sa lumalalang hindi pagiging kontento sa kanilang mga miyembro na maaring magdulot ng destabilization plots.
Sa inilabas na kalatas ng Philippine Army, tiniyak nila sa publiko na ang lahat ng mga hinaing at kapakanan ng mga miyembro nila ay natutugunan ng mga nakakataas.
Natitiyak nila na ang mga miyembro nila ay nananatiling motivated, professional at nakatuon sa kanilang mission.
Una ng sinabi ni Lacson na maaring samantalahin ng ilang mga grupo o destabilizers ang ilang mga pagkakadismaya ng ilang mga miyembro ng kasundaluhan.
















