CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaniniwalaan ng pulisya na depresyon ang pangunahing dahilan sa pagpapakamatay ng isang locally stranded individual o LSI sa loob ng isolation unit sa may Purok 2, Barangay Simaya, Malaybalay City, Bukidnon.

Kinilala ni Lt. Col. Jerry Tambis, hepe ng Malaybalay City Police Office, ang biktima na si Reynaldo Rubiñon, 41-anyos na single at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Tambis, mismong ang pamilya ng biktima ang nakakita sa extension wire na itinali sa leeg nito na kaniyang ginamit sa pagpapakamatay.

Base sa report, dinalhan ng pagkain ng pamilya ang biktima ngunit nadatnan nila ito na wala nang buhay.

Lumalabas na hindi na nakayanan ni Rubiñon ang nararamdamang kalungkutan sa loob ng isolation unit lalo pa’t nawalan ito ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.