-- Advertisements --

Naging ganap nang bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Pilipinas.

Ayon sa ulat ni Pagasa forecaster Meno Mendoza, huli itong namataan sa layong 1,640 km sa silangan ng Mindanao.

May taglay na itong lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumukilos ito ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na weekend.

Kapag nasa loob na ng PAR, bibigyan ito ng local name na “Bising,” bilang ikalawang sama ng panahon para sa taong 2021.