Lumakas pa ang dalawang sama ng panahon sa silangang bahagi ng Pilipinas.
Ayon sa Pagasa, ang dating low pressure area (LPA) na binabantayan sa karagatang malapit sa ating bansa ay naging bagyo na at tinawag na tropica depression “Gardo.”
Huli itong namataan sa layong 1,195 km sa silangan ng Extreme Northern Luzon.
May lakas itong 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 15 kph.
Samantala, ang isa pang bagyo na nasa labas ng Philippine territory ay naging ganap nang super typhoon.
May international name itong Hinnamnor at maaaring tawaging “Henry” kapag nakapasok na sa karagatang sakop ng ating bansa.
May lakas itong 185 kph at may pagbugsong 230 kph.
Inaasahang papasok ito sa PAR sa loob ng susunod na dalawang araw.