Nababahala ang gobyerno sa naging epekto sa inilunsad na Long March 12 rocket ng China kamakailan, matapos bumagsak sa karagatan ng Palawan na nasa loob ng Pilipinas.
Ito ay batay sa inilabas na pahayag ni Foreign Affairs Secretary Maria Teresa Lazaro.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa iba pang mga bansa na maging maingat sa kanilang space activities.
Sinabi ni Castro na batay sa pahayag ni Secretaru Lazaro dapat maging responsable at ikonsidera ang karapatan at interes ng mga bansa na maaapektuhan sa mga rocket launching activities.
Inihayag ni Castro na ipinauubaya na ng Malakanyang sa Philippine Space Agency at iba pang mga akensiya ang pagkokomento kaugnay sa mga technical at safety matters ng isyu.
Inihayag ni Castro na batay sa naging pahayag ng Philippine Space Agency na sa ngayon walang dapat ikabahala hinggil sa mga debris na bumagsak sa karagatan ng Pilipinas.