-- Advertisements --

Lumalaki ngayon ang tyansa ng low pressure area (LPA) na maging bagong bagyo habang nasa silangang bahagi ng ating bansa.

Huli itong namataan sa layong 915 km sa silangan ng Daet, Camarines Norte.

Sa pagtaya ng Pagasa, maaari itong maging bagong bagyo sa loob ng susunod na 48 oras.

Kung sakaling aabot sa tropical depression category, bibigyan ito ng local name na “Julian,” na magiging ika-10 sama ng panahon ngayong 2020.

Kung hindi magbabago ang direksyon, maaari itong maghatid ng hangin at ulan sa malaking bahagi ng Luzon.