Malabo umanong maging bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa Northern Luzon.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 520 km sa silangan ng Calayan, Cagayan o 520 km sa silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan.

Gayunman, nagbabala si Pagasa forecaster Ariel Rojas na posible pa ring may mabuong bagyo sa buwan ng Hunyo.

Isa hanggang dalawang tropical cyclone umano ang maaaring maranasan kapag ganitong buwan, kung pagbabatayan ang ganitong period sa mga nakalipas na taon.