-- Advertisements --

Inaasahang magdadala ng mga pag-ulan ang low-pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa ilang lugar sa bansa.

Ayon sa state weather bureau, bagamat maliit ang tiyansa na mabuo ito bilang bagyo sa sunod na 24 oras, inaasahan na magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan lalo na sa Luzon, Bicol Region at Eastern Visayas.

Huling namataan ang LPA nitong umaga ng Martes, Agosto 5 sa layong 650 kilometers ng silangan ng Virac, Catanduanes.

Sa kabila nito, makakaranas pa rin ang bansa ng monsoon break sa kabila ng mga inaasahang mga pag-ulan.

Sa nalalabing parte naman ng bansa, inaasahang makakaranas ng rain showers dahil sa localized thunderstorm.

Ang kabuuan naman ng bansa ay patuloy na makakaranas ng maliit hanggang sa katamtamang lakas ng hangin at slight to moderate seas.