-- Advertisements --

Masusing binabantayan ng state weather bureau ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 31.

Ito naman ang unang LPA na na-monitor sa nakalipas na tatlong araw matapos ang magkakasunod na bagyong tumama sa bansa na bagyong Dante, Emong at Krosa.

Base sa monitoring ng bureau, namataan ang cloud cluster o kumpol ng mga ulap sa hilagang silangang bahagi ng extreme Northern Luzon sa labas ng PAR.

Ayon sa bureau, mataas ang tiyansa na mabuo bilang bagyo ang naturang namumuong sama ng panahon sa sunod na 24 oras. Sakali mang mabuo ito bilang tropical depression at pumasok sa PAR, tatawigin itong bagyong Fabian.

Patuloy naman na pinapayuhan ang publiko na imonitor ang update sa lagay ng panahon.