-- Advertisements --

Sarado sa trapiko ang 18 national road sections sa apat na rehiyon dahil sa pinagsamang epekto ng bagyong Crising, habagat at low pressure area (LPA).

Ayon sa Department of Public Works and Higways (DPWH), nasa 3 road sections ang isinara sa Cordillera Administrative Region (CAR), 12 sa National Capital Region (NCR), 2 sa Region 3 at isa sa Region 6 dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig, baha, pagkaputol ng kalsada at pagguho ng lupa.

Mayroon ding 15 national road sections ang nalimitahan ang access, kung saan 7 dito ay naitala sa NCR partikular sa Boni Avenue Mandaluyong City (Corner F. Ortigas), Imelda Avenue sa Pasig City, EDSA Balintawak Station, España Blvd. (Antipolo – A. Maceda), Taft Ave. NB and SB near Pedro Gil St., Manila North Road, Regalado Avenue (NORTH) cor. Bristol St. at Sto. Domingo Avenue cor. Atok St.

Gayundin limited access sa 5 road sections sa Region 3, isa sa Region 4-A at 2 sa Region 9 dahil sa mga pagbaha, soil collapse, tumumbang puno, madulas na kakalsadahan at na-wash out na detour road.

Lahat naman ng national roads at mga tulay sa mga apektadong rehiyon ay nadadaanan ng lahat ng uri ng mga sasakyan.