-- Advertisements --

Tiniyak ngayong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magkakaroon na ng mabilis at mas murang paraan sa pagsasaayos ng kahabaan ng EDSA.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, na naisumite nila ang plano kung saan mas mura ito sa naunang P8.7 bilyon na pondo.

Sa loob aniya ng anim na buwan ay kaya nilang matapos ang kabuuang pagsasaayos ng EDSA.

Magugunitang ipinagpaliban sa 2027 ang EDSA rehabilitation dahil sa paghost ng Pilipinas ng Association of Southeast Asian Nations Summit (ASEAN) sa susunod na taon.