-- Advertisements --

Tuluyan nang naging ganap na bagyo ang namataang Low Pressure Area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ito na ang pang-apat na bagyong pumasok sa teritoryo ng bansa na tatawaging bagyong Dante.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,115 km East Northeast ng Central Luzon.

Ito ay may lakas ngayon ng hangin na aabot sa 45 km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 55 km/h.

Patuloy itong kumikilos pa Westward na direksyon sa katamtamang bilis.

Maliban sa bagyong Dante, patuloy ring minomonitor ang dalawang LPA na nasa loob at labas ng PAR kung saan ang unang LPA ay nasa layong 170km East Southeast ng Basco Batanes at ang LPA na nasa labas ng PAR ay matatagpuan sa layong 2705km East ng eastern Visayas.

Sa ngayon, tanging habagat ang may direktang epekto sa ilang bahagi ng bansa na nagdudulot ng walang humpay na pag-ulan.