-- Advertisements --

Ipinagkaloob ng Department of Energy (DOE) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tatlong Mobile Energy System (MES) units nito upang palakasin ang kahandaan ng militar sa mga sakuna para sa mga delikadong lugar.

Ayon kay DOE Undersecretary Felix William B. Fuentebella, ang MES ay isang “force multiplier” na tumutulong sa mga frontliner at tumutugon sa panawagan ng Pangulo para sa matatag at ligtas na suplay ng enerhiya.

Ang bawat MES ay nasa loob ng 20-foot trailer, may 9.18 kilowatt-peak solar panels, 60 kVA hybrid inverter, at 102.4 kilowatt-hour battery storage, na kayang magbigay ng kuryente sa command centers, ospital, at iba pang mahalagang pasilidad sa oras ng emergency.

Nauna nang na-deploy ang mga unit sa mga binagyong lugar sa Cagayan at sa mga liblib na isla ng Pag-asa at Balabac sa Palawan.

“This is part of a long-term energy resiliency strategy,” dagdag ni Fuentebella.

Ang naturang proyekto ay sa pakikipagtulungan ng USAID Energy Secure Philippines at Hawaii Natural Energy Institute (HNEI) bilang bahagi ng patuloy na kooperasyon ng DOE at AFP sa pagpapatatag ng energy resiliency ng bansa.