-- Advertisements --

Patay ang pitong katao, kabilang ang isang 6-taong gulang na bata, sa isinagawang aerial strike ng Russian na tumama sa ilang residential buildings sa Kyiv, ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy nitong Huwebes, Hulyo 31.

Ayon sa mga awtoridad, mahigit 300 drones at anim na missiles ang pinakawalan, na karamihan ay tinarget ang Capital City. Habang hindi bababa sa 64 ang sugatan, at 50 sa kanila ang isinugod sa ospital. Siyam sa mga ito ay mga pawang bata.

Tinukoy ni Zelenskyy ang pag-atake bilang “vile and specially calculated to overload the air defense system.”

Ayon kay Tymur Tkachenko, pinuno ng Kyiv military administration, 27 lokasyon sa lungsod ang tinamaan. Isa sa mga tinamaan ng “direct hit” ay nasa Sviatoshynskyi district, kung saan gumuho ang isang gusali.

“It’s a horrible morning in Kyiv,” ani Ukrainian Foreign Affairs Minister Andrii Sybiha, na nagsabing nasira ang mga residential building, paaralan, at ospital sa brutal na pambobomba ng Russia.

Ayon naman kay Ruslan Stefanchuk, Chairman ng Ukrainian parliament, ang pag-atake aniya ay ”This is not merely a crime — it is further proof that Russia is deliberately waging war against the Ukrainian people.”

“Its targets are our homes, our children, and our basic right to live freely in our own country.” dagdag niya.