lpa

Posibleng pumasok ano mang oras ngayong araw sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang g low pressure area (LPA) na malapit sa Mindanao.

Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) weather specialist na si Meno Mendoza, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,260 kilometers sa silangan ng Mindanao.

Mababa naman ang tiyansang maging ganap na bagyo ang naturang sama ng panahon.

Ngayong araw, patuloy na makakaapekto ang northest monsoon o amihan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon na magdadala ng pag-ulan.