Niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang southeast ng Loyalty Islands.

Ayon sa European Miditerranean Seismological Center (EMSC) na ang epicenter nito ay 401 kilometer ng eastern Tadine ng New Caledonia at may lalim na 2 kilometers.

Nagdulot naman ng tsunami sa ilang bahagi ng Australia ang nasabing lindol.

Ibinabala ng Australian Bureau of Meteorology na maaapektuhan ang Lord Howe Island.

Ang nasabing isla ay mayroong 550 kilometers ng silangan ng mainland Australia.

-- Advertisement --