Itinalaga bilang bagong Chair ng International Olympic Commission Coordination Commission para sa 2032 Olympic Games sa Brisbane, Australia si Pinay sports official Mikee Cojuangco-Jaworski.
Ayon sa International Olympic Committee (IOC) na ang pagkakatalaga kay Cojuangco-Jaworski ay kasunod ng pagbaba sa puwesto ni Kristy Conventry na nahalal bilang bagong IOC president.
Si Jaworski-Cojuangco ay miyembro ng IOC Executive Board mula pa noong 2020.
Dagdag pa ng IOC na siya ang mamamahala sa pagplano para maisakatuparan na ang Olympic Games Brisbane 2032.
Ang magiging papel din nito ay tiyakin na ang lahat ng aspeto ng proyekto ay naisasagawa at naipapatupad sa pinakamataas na standard para maging hindi makakalimutan ang Olympics sa mga atleta, fanst at komyunidad.
Nagkaroong ng mahigpit na connection si Cojuangco-Jaworski sa Australi dahil sa doon ito nagsanay at nakipagkumpetensiya noong aktibo siya sa equestrian.
Naging gold medalist siya ng 2002 Asian Games at nagsanay ito ng mahigit 20 taon sa Australia ni three-time Olympian Vicki Roycoft.
Naging coordination commission na rin ito sa Olympic Games sa Tokyo 2020, Paris 2024 at Brisbane 2032.
Dahil sa kaniyang pagkakatalaga ay pamumunuan na niya ang paparating na Coordination Commission meeting sa Brisbane mula Mayo 20 hanggang 22.