-- Advertisements --
Patuloy na maghahatid ng mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao ang namataang low pressure area (LPA) na nasa katimugang parte ng ating bansa.
Huling namataan ang LPA sa layong 145 km sa kanluran ng General Santos City.
Ayon sa Pagasa, ang pinaghalong epekto ng namumuong sama ng panahon at umiiral na cold front ang nagiging sanhi ng mga biglaang ulan sa Visayas, Bicol region, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, Caraga, at ilang bahagi ng Southern Tagalog.
Sa kasalukuyan, maliit naman ang tyansa ng LPA na lumakas at maging bagong bagyo.