-- Advertisements --

Kasalukuyang nasa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Quezon City ang labi ngayon ni dating Department of Public Works and Highways Secretary Catalina Cabral.

Pasado alas-3:00 ng madaling araw kanina ng dumating ang kaniyang labi dito sa Metro Manila mula sa Tuba, Benguet kung saan nakita ang kaniyang katawan na wala ng buhay sa gilid ng Bued River.

Batay sa ulat bandang alas-11:45 kagabi, December 20,2025 ng ibiyahe ang labi ni Cabral mula Benguet.

Namataan ng news team ng Bombo Radyo Philippines sa Arlington Chapel na nagpadala ng bulaklak si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan kung saan nagpa-abot ito ng pakikiramay sa pamilya ng namayapang dating opisyal ng DPWH.