-- Advertisements --

Nilinaw ni Atty. Israelito Torreon na luma na ang mga larawan at video kamakailan ay inilabas niya kung saan makikitang nag-uusap sila ni Sen. Ronald Dela Rosa.

Ayon sa abogado na nagsisilbing legal counsel ng senador, noon pang May 22, 2025 nakuha ang mga larawan.

Paliwanag pa ng abogado, hindi lamang niya nai-post ang mga ito noong una, ngunit kalakip ng kaniyang paliwanag ay ang pagpapakita sa nauna niyang Facebook post na kuha rin sa parehong lugar ngunit may petsang May 22, 2025.

Ayon pa kay Torreon, nangyari ang kanilang pagkikita sa isang malaking mall sa Lanang, Davao City.

Sa naturang pagkikita ay mayroon umano siyang kinailangang talakayin sa dating Philippine National Police chief.

Kung babalikan ang naunang post ni Torreon, bahagi ng kaniyang caption ay ang payo sa senador na tuloy lamang ang laban para sa bayan.

Dito ay pinayuhan ni Torreon si Sen. Bato na mag-ingat dahil ‘hinahunting’ pa rin umano siya.