-- Advertisements --

Inihayag ng abogado ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na si Atty. Israelito Torreon na hindi na sila nagkakausap ng senador mula pa noong November 7, at tanging asawa nitong si Nancy ang kanyang nakokontak para sa legal na usapin.

Ayon kay Torreon, hindi ICC-related ang huli nilang pag-uusap at tumigil na si Dela Rosa sa pagre-reply. Giit niya, may “kalituhan” ang gobyerno dahil magkakaiba ang pahayag ng DFA, DOJ, DILG at Ombudsman tungkol sa umano’y ICC warrant.

Sinabi rin niyang walang batas ang Pilipinas na nagtatakda kung paano i-enforce ang ICC warrant, taliwas sa mga bansang tulad ng Germany, Austria at Canada. Dahil wala na rin sa ICC ang Pilipinas, iginiit ni Torreon na wala itong obligasyong i-surrender ang senador.

Ayon sa abogado, may pangamba si Dela Rosa na i-turn over siya sa international authorities nang hindi dumadaan sa local courts katulad ng nangyari kay FPRRD.

Tinanong kung siya ang nagpayong umiwas ang senador sa Senate sessions, tumanggi si Torreon sumagot, pero kinumpirmang sariling desisyon iyon ni Dela Rosa.

Nanawagan ang abogado na ilabas ng gobyerno ang opisyal na kopya ng umano’y ICC warrant, at humiling na bigyan ito para maiharap sa Supreme Court. (REPORT BY BOMBO JAI)