-- Advertisements --

Maaari umanong maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, namataan ang LPA sa layong 305 km sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Kabilang sa mga posibleng maapektuhan ng namumuong sama ng panahon ang Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon.

Habang habagat naman ang maghahatid ng ulan sa Visayas at Zamboanga Peninsula.