-- Advertisements --
Papalapit sa Pilipinas ang isang low pressure area (LPA) na maaaring makaapekto sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 850 km sa silangan ng Davao City.
Pero ayon sa weather bureau, mahina ang naturang namumuong sama ng panahon at maliit ang tyansang maging panibagong bagyo.
Maliban dito, nakakaapekto rin sa bansa ang hanging amihan na nagdadala ng malamig na hangin sa Luzon at Visayas.