-- Advertisements --
Asahan ang mga biglaang buhos ulan ngayong gabi sa ilang bahagi ng Southern Tagalog at Metro Manila.
Ang binabantayan kasing low pressure area (LPA) ay namataan sa area ng Silang, Cavite.
Pero mahina lamang ang dala nitong ulan at posibleng malusaw na rin sa mga susunod na oras.
Habang ang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ay nananatili bilang “weak tropical depression” at walang direktang epekto sa ating bansa.
Namataan naman ito sa layong 2,170 km sa hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
May taglay na hanging 45 kph at pagbugsong 55 kph.
Kumikilos yan nang pasilangan hilagang silangan sa bilis na 15 kph.