-- Advertisements --
Inanunsiyo ng North Korea na kanilang pagbabawalan ang mga dayuhang turista na magtungo sa bagong bukas nilang resort.
Nitong Hulyo 1 ay binuksan ang Wonsan Kalma Coastal Tourist Zone para mapalakas ang turismo ng North Korea.
Ayon sa North Korea government na pansamantala lamang ang gagawing pagbabawal sa mga turistang dayuhan na bumisita sa lugar.
Hindi naman nila binanggit ang dahilan ng pagbabawal sa mga dayuhan sa nasabing resort.
Noong nakaraang linggo ay nakarating ang kauna-unahang Russian tourist sa resort kasabay din nito ang pagbisita ni Russian foreign minister Sergei Lavrov.
Pinuri ni Lavrov ang nasabing resort kung saan plano ng dalawang bansa na magkaroon ng direct flight sa pagitan ng Moscow at Pyongyang.