Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang isang low pressure area sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 790 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Nakapaloob daw ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa LPA and na siyang makakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Habang ang extreme northern Luzon ay aapektuhan din ng shear line.
Ang Eastern at Central Visayas maging ang Mindanao ay makararanas din ng maulap na papawirin na sasamahan ng kalat-kalat na rain showers at thunderstorms dahil sa ITCZ.
Posible raw makaranas ng flash floods o landslides sa naturang mga lugar dahil sa katamtaman at minsan ay malakas na pag-ulan.
Maulap na papawirin na sasamahan ng pag-ulan naman ang mararanasan sa Batanes dahil sa shear lines.