-- Advertisements --

Mahigpit na mino-monito ng Department of Science and Technology (DOST) ang dalawang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa state weather bureau, namataan ang sentro ng unang LPA sa layong 1,220 km sa silangan timog silangan ng Luzon.

Habang ang pangalawa ay nasa 405 km sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Ang dalawang ito ay may malaking tyansa na lumakas bilang ganap na bagyo.

Kung sakaling aabot sa tropical depression category, tatawagin itong “Dante” at “Emong” na magiging ika-apat at ikalimang sama ng panahon para sa taong 2025.

Maliban dito, asahan din ang patuloy na pag-iral ng hanging habagat na magdadala ng mga pag-ulan at baha sa malaking parte ng ating bansa.